-- Advertisements --

Libo-libo ang nagtipon sa Beirut nitong Linggo upang magbigay galang sa pinaslang na lider ng Hezbollah na si Hassan Nasrallah, limang buwan matapos siya patayin sa isang airstrike ng Israel.

Si Nasrallah ay namuno sa Hezbollah sa loob ng ilang mga dekada laban sa Israel at nagpatuloy sa pagpapalakas ng grupo bilang isang makapangyarihang pwersang militar na may impluwensya sa buong rehiyon.

Ang libing ay ginanap sa mga kontroladong subdibisyon ng Hezbollah sa timog ng Beirut, kung saan ang mga tagasuporta ay may bitbit na mga larawan ni Nasrallah at mga watawat ng Hezbollah.

Ang seremonya ay isinagawa sa Camille Chamoun Sports City stadium na may kapasidad na 55,000 na mga pumunta. Kasama sa mga dumalo ang Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi, mga delegasyon mula sa Iraq na may mga Shi’ite na politiko at militia commanders, pati na rin ang mga kinatawan mula sa Houthis ng Yemen.

Ang mass funeral ay nagpapahiwatig ng pagpapakita ng lakas ng Hezbollah pagkatapos ng matinding epekto ng digmaan laban sa Israel noong nakaraang taon, kung saan karamihan sa kanilang pamunuan ay pinaslang at libu-libo sa kanilang mga militar ang namatay.

Bukod pa rito, ang pagkasawi ni Bashar al-Assad sa Syria na kaalyado ng mga ito ay nagdulot ng pagkawala ng isang mahalagang supply line para sa Hezbollah.

Kasama sa libing si Hashem Safieddine, na pansamantalang namuno sa Hezbollah matapos ang pagkamatay ni Nasrallah ngunit napatay din sa isang airstrike ng Israel bago pa man siya mailuklok ng opisyal bilang kahalili.

Sa ibang banda ang libing ni Nasrallah ay ipinagpaliban upang bigyan ng pagkakataon ang pag-atras ng mga pwersang Israel mula sa timog Lebanon sa ilalim ng kasunduan ng U.S.-backed ceasefire na nagtapos sa digmaan noong nakaraang taon.