-- Advertisements --
Libo-libong overseas Filipino workers sa Taiwan at Hong Kong ang mabibigyan ng taas sahod dahil sa inilabas na wage orders sa nabanggit na mga lugar.
Ito ay kinumpirma mismo ng Department of Migrant Workers.
Ayon sa ahensya, ang wage hike na ito o dagdag sahod para sa mga Pinoy workers sa Taiwan at Hongkong ay epektibo simula sa huling bahagi ng kasalukuyang taon.
Dagdag pa ng DMW, magpapatupad rin ng wage hike ang ilang kumpanya sa Taiwan at Hongkong sa susunod na taon.
Nagpasalamat naman si DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac , matapos na kilalanin ng Taiwan Ministry of Labor at Hong Kong Special Administrative Region Labor Department ang kontribusyon ng mga OFWs sa kanilang ekonomiya.