Nagsuspinde ng face-to-face class ang aabot sa 6,695 na mga paaralan sa buong bansa dahil sa naranasang matinding init ng panahon.
Ito ang kinumpirma ng pamunuan ng Department of Education sa isang pahayag.
Ayon sa ahensya, ang bilang na ito ng mga paaralan na nagpatupad ng alternative learning mode sa halip na face-to-face class ay mula sa kabuuang 47,678 na mga paaralan sa buong bansa.
Kung maaalala, naglabas ng kautusan ang Department of Education na kung saan pinapayagan nito ang pagpapatupad ng paraan ng pagtuturo kung kinakailangan dahil sa mataas na heat index sa ilang lugar sa bansa.
Ang karamihan sa mga mag-aaral na ito ay nag attend ng lamang ng online class o kaya naman ay modular mode of learning.
Batay sa naging pagtataya ng state weather bureau kahapon, pumalo sa 42-46 degrees Celsius na heat index ang nasa 30 mga lugar sa bansa.
Sa Metro Manila naman ay pumalo sa 44 degrees Celsius ang init factor na naramdaman.
Nanatili pa ring priority ng Department of Education ang kalusugan ng mga bata maging ang kapakanan ng mga mag-aaral at mga guro.