ILOILO CITY – Hindi pa rin nakatanggap ng ayuda ang mga apektadong residente ng sumabog na power barge ng AC Energy sa Barangay Bo. Obrero, Lapuz, Iloilo City isang taon matapos ang insidente.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Engineer Noel Hechanova, pinuno ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO), sinabi nito na base sa naging pahayag ng kinatawan ng AC Energy, may “go signal” na na sa pagbahagi ng ayuda na nagkakahalaga ng P2.3 million para sa 372 na mangingisda na nawalan ng hanapbuhay dahil sa oil spill.
Ang 1,400 recipients naman na mula sa Barangay Bo. Obrero sa Lapuz ay nasa recommendatory stage dahil nagdemand ang mga ito ng mas mataas na claim.
May validation na ginagawa para sa tag-P2,000 na claim ng mahigit 500 na mga recipients sa Barangays Loboc at Mansaya sa Lapuz.
Ayon kay Hechanova, paulit -ulit nalang na sinasabi ng management na dahil sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic at depekto sa papeles, kung bakit naantala ang pagbibigay ng ayuda.