Libo-libong Russian ang lumipad patungong Thailand upang makaiwas sa lumalalang digmaan sa pagitan ng Ukraine at Russia.
Marami sa kanila ang naghahanap ng bagong tahanan at isa nga sa kanilang kinokonsidera ay ang bansang Thailand.
Napag-alaman rin na karamihan sa kanila ay nagsimula ng bumili ng mga bahay at property sa naturang bansa.
Sa katunayan, pangatlo ang Russian sa may pinakamalaking bilang ng mga foreign tourist sa Thailand matapos na buksan ng naturang bansa ang kanilang border at tuluyang niluwagan ang kanilang covid-19 restrictions.
Ang Thailand ay matagal nang popular na destinasyon para sa mga Russian Tourist at malapit na magkasosyo ang dalawang bansa sa kalakalan.
Kung maaalala, noong 2019, ang Russia ay pangpito sa pinakamalaking Tourism Market ng Thailand.