Inihahanda na ng Department of Agriculture ang mga ipapamahaging punla at binhi ng mga pananim para sa mga magsasakang naapektuhan ng Supertyphoon Egay, kasama na ang mga pagbahang idinulot ng Habagat.
Batay sa kasalukuyang datus ng DA-Disaster Risk REduction Managent Division, kabuuang 111,873 bags ng binhing palay at 14, 226 na sako ng mga binhing mais ang nasa bodega nito at nakahandang ipamahagi.
Maliban dito, nakahanda rin ang kabuang 2, 582 kilos ng mga assorted high value commercial crops na ipapamigay sa mga magsasakang nakapokus sa pagtatanim ng mga gular.
Ang mga rehiyon na nakatakdang bibigyan ay ang mga sumusunod: CAR, Ilocos Region, Cagayan Valley Region, Gitnang Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western Visayas, at sa CARAGA region.
Maliban sa mga ito, nakahanda rin umano ang 62,000 na halaga ng mga fingerlings ng tilapia, karpa, at mga hito ang nakatakdang ipamahagi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para sa mga mangingisda na naapektuhan.
Sa kasalukuyan, nakahanda na rin umano ang P200Million na bahagi ng Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Department of Agriculture para sa mga nagnanais na makapagloan ng hanggang sa P25,000.00
Sa ngayon ay mayroon ding P500Million na pondo ang DA bilang Quick Response Fund (QRF) na magagamit sa rehabilitasyon sa mga apektadong lugar.