-- Advertisements --
Labis na ikinatuwa ng mga Sudanese ang pagbitiw sa pwesto ng dalawang presidente sa Sudan sa loob lamang ng dalawang araw.
Ito ay matapos ng pag-anunsyo rin ni Military Council Chief General Awad Ibn Ouf na magbibitiw na ito sa kanyang posisyon.
Noong Huwebes lamang ay sumumpa ito sa pagiging pinuno ng ruling miliary council bilang kapalit ni Omar al-Bashir na una ng pinatalsik dahil sa sunod-sunod nitong protesta.
Bago mabitiw, itinalaga ni Ibn Ouf si Lieutenant General Abdel Fattah al-Burhan na bagong pinuno na naging sanhi ng kagalakan sa nakararami.
Samantala, ilang myembro naman ng paramilitary group ang nagbanta kay Burhan na kaselahin ang suspensyon ng konstitusyon at tuluyan nang itigil ang state of emergency at night-time curfew.