-- Advertisements --
KALIBO, Aklan—Libo-libong turista ang naitalang pumasok sa isla ng Boracay sa bisperas ng Pasko.
Dumagsa ang nasa 7,000 na mga turista sa Caticlan Jetty Port at Cagban Port sa mainland Malay habang mahigit sa tatlong libo ang pasahero mula sa Roll-on-Roll-off o RoRo vessel mula sa Mindoro at Batangas Port.
Sa kabila nito, inihayag ni Caticlan Jetty Port administrator Esel Flores na na-handle ng maayos ang influx ng mga pasahero dahil sa kanilang ginawang paghahanda.
Inaasahan na aniya ang ganito karami na mga pasahero at turista na aabot hanggang sa Bagong Taon.
Malaking tulong aniya ang IPASS dahil sa cashless na ang payment sa terminal, environmental at boat fees para sa mga turista.