-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Nakapagpraktis na ang mga miyembro ng kapulisan sa Libon PNP para sa kanilang isasagawang pangangaroling na sisimulan na ngayong gabi ng Lunes.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Master Sergeant Maribeth Corporal ang tagapagsalita ng Libon PNP, maglilibot umano ang mga pulis at mangangaroling sa mga tahanan ng pinakamahihirap na pamilya sa kanilang bayan.

Nabatid na taun-taon na talagang ginagawa ng Libon PNP ang “Kanta ko, Noche Buena Niyo” program na layuning matulongan ang mga naghihirap na pamilya ngayong Pasko at mapalakas na rin ang relasyon ng kapulisan sa komunidad.

Magpapatuloy ang pangangaroling ng PNP hanggang sa araw ng Biyernes kung saan tiniyak naman nitong mahigpit pa rin na masusunod ang mga health protocols laban sa COVID 19.