-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Dinagsa ng maraming umaasang magkakatrabaho ang inilunsad na job fair ng Department of Labor and Employment (DOLE) Bicol sa lungsod ng Legazpi.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazi kay Johanna Gasga, information officer ng DOLE Bicol, nasa 50 employers ang nakiisa sa aktibidad na nilahukan ng 1,700 na job seekers.

Batay sa tala ng tanggapan, nasa 1,212 anng qualified, nasa higit 500 ang “near hire” habang 55 ang “hired on the spot” na hindi na kailangan ng ilan pang assessment.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga nakuhang aplikante na may trabaho agad sa pagpasok pa lamang ng taon.

Kabilang ang Bombo Radyo Legazpi sa mga nakiisa sa naturang aktibidad.