NAGA CITY – Tinatayang aabot sa 25,000 katao ang sasabay sa gagawing kilos protesta ng mga progresibong grupo mula sa iba’t ibang lalawigan sa Bicol Region ngayong araw.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Vince Casilihan ng Bayan-Bicol, sinabi nitong sabay-sabay na magkakaroon ng sariling programa ang iba’t ibang grupo kasabay ng ulat sa bayan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Casilihan, layunin aniya nito na maipaabot hindi lamang sa mga nasa posisyon ngulit pati na sa publiko ang totoong estado ng kabuhayan ng mga Bicolano.
Sa pamamagitan ng naturang mga aktibidad, nais rin aniya nilang ipakita sa mga mamamayan kung ano na ngayon ang kalagayan ng ekonomiya, politika, human rights violations at iba pang usapin.
Samantala, inaasahan naman ang mahigpit na seguridad na ipapatupad ng kapulisan mula sa iba’t ibang lugar ngayong araw.