-- Advertisements --
LESBOS

Libong mga migrants at refugees ang lumikas sa isla ng Lesbos sa bansang Greece kasunod nang pagsiklab ng malaking sunog.

Nangyari ang trahedya sa gitna ng lockdown habang umiiral ang COVID pandemic.

Umaabot sa 12,500 katao ang nakatira sa Moria camp at kalapit na lugar kung saan umiiral ang pinahigpit na restrictions o lockdown makaraang isang Somali resident ang nagpositibo sa virus.

Aminado naman ang mayor sa isla na napakahirap ng sitwasyon lalo na at kabilang sa mga lumikas ang mga taong infected ng virus.

Natukoy kasi na merong 35 katao ang nagpositibo rin sa COVID-19 nitong linggo lamang.

Sa ngayon wala pa namang naiulat na sugatan matapos masunog ang malaking migrant camp.

Habang hindi pa rin naman matukoy ang pinagmulan ng sunog.

“First there was a dispute at the Covid19 station in the camp which spread to the entire area during the night. Security forces used tear gas,” ayon pa sa German group Mission Lifeline sa statement. “A large part of the dwellings burned down. The homeless people fled into the surrounding olive groves.”