-- Advertisements --

Sunud-sunod ang mga naging problema ng Facebook sa paglulunsad ng kanilang sariling cryptocurrency dahil sa pag-atras ng mga pangunahing tagapagtaguyod ng Libra coin sa gitna ng mga pampangasiwaang alalahanin.

Nangyari ito ng mag desisyon ang PayPal na umalis sa proyekto, na sinundan naman ng Mastercard, Visa, at eBay sa Libra Association ng Facebook. Dagdag pa sa mga rito, makikita sa ulat kamakailan mula sa isang G7 taskforce na maaaring mahirapan ang Facebook na makahanap ng paraan upang matugunan ng Libra coin ang lahat ng kinakailangang ‘regulatory standards.

Inaasahan na ang paglulunsad ng Facebook ng sarili nitong virtual money kasabay ng tuluy-tuloy na pamamayagpag ng mga cryptocurrency. Inaasahang magiging natatanging sandali ang paggawa ng cryptocurrency ng naturang social media giant sa malawakang pagtangkilik ng blockchain. Nang opisyal na ianunsyo ng Facebook ang pagbuo nito sa Libra noong Hunyo 2019, marami ang nag-isip na magiging game-changer ito.

Kasabay ng tuluy-tuloy na pagsikat ng mga cryptocurrency ay ang paglaki ng pag-asang kalaunan ay maglunsad ang Facebook ng sariling coin nito. Ang paglulunsad na ito ng social media giant ng sarili nitong bitcoin ay inaasahang magiging game changer sa malawakang pagtangkilik ng blockchain. nang opisyal na ianunsyo ng Facebook ang pagbuo nito sa Libra noong Hunyo 2019.

Sa whitepaper ng Facebook, isinama nito ang pananaw para sa Libra coin bilang cryptographic-based na pandaigdigang currency, na may intensyong bawasan ang mga cash-based na transaksyon nang 85% sa pamamagitan ng pagpapatakbo ng Libra na umani ng suporta mula sa malalaking pangalan sa industriya kung saan 28 dito ang nag anib pwersa upang mabuo ang Libra.  Kabilang sa mga miyembrong iyon ang mga kumpanya na nangunguna sa pagsulong ng pag-unlad ng modernong teknolohiya; kasama ang Spotify, Vodafone, at Uber.

Nabigyan pa ang Libra Association ng napakalaking antas ng economic legitimacy sa presensya ng PayPal, Mastercard, at Visa. Sa pag-alis ng tatlong iyon, bilang karagdagan sa mga founding members na Stripe at Mercado Pago, nagkaroon ngayon ng agam-agam tungkol sa kinabukasan ng Association at viability ng Libra coin.

Ang pagkawala ng pangunahing tagasuporta

Maaalalang ang PayPal ang responsable sa mga innovations sa online financial transactions nitong mga nakaraang mga araw dahilan upang pagkatiwalaan ito ng napakaraming consumers na syang nagging daan para kilalanin ang PayPal bilang ‘one of the most popular platforms for online money transfers.’

Bagama’t nagiging karaniwan na ang mga cryptocurrency, hindi pa napapakinabangan ng mga ito ang pagiging laganap ng PayPal. Sa pag-endorso ng PayPal sa Libra, hayagang naendorso ang coin ng Facebook bilang pangunahing manlalaro sa hinaharap para sa mga online na transaksyon. Ang pag-aalis ng suporta ng PayPal ay nagpapahiwatig na maaaring pangmatagalang mga isyu ang mga problema sa pagsisimula ng Libra.

Bagama’t idiniin ng pahayag ng PayPal ang suporta ng kumpanya sa Libra at ang patuloy nitong kagustuhang makipagtulungan sa Facebook sa iba pang pagsisikap, nagpahiwatig ang pag-alis sa Libra Association na may problema. Sinusuportahan iyon ng kasunod na pag-atras ng Mastercard at Visa, kung saan parehong nag aalinlangan dalawang financial giant na hindi matutugunan ng Libra ang lahat ng pampangasiwaang kinakailangan nito.

Mga pampangasiwaang isyu para sa Libra

Bukod sa sabay-sabay na pag-atras ng dating mga tagasuporta sa Libra, lalong mahihirapan ang Facebook na ilunsad ang Libra sa 2020 dahil sa isang ulat na nakamit ng BBC mula sa G7 taskforce. Kabilang sa G7 taskforce ang mga nakatataas na opisyal ng Central Bank at International Monetary Fund (IMF).

Sa ulat na ito, makikita ang mahihigpit na regulasyong kailangan matugunan ng Libra. Bagama’t naniniwala ang Facebook na maaaring mabago ng Libra ang mga transaksyon sa pananalapi, maraming neutral ang natural na nag-aalala na maaaring magresulta ang pagbabagong ito sa mga negatibong kahihinatnan para sa pandaigdigang sistema ng pananalapi.

Hindi ganap na nakatuon ang ulat ng G7 sa Libra, sa halip, tinatalakay nito ang lahat ng uri ng ‘mga stablecoin.’ Hindi tulad ng Bitcoin, nali-link ang stablecoin sa mga dati nang currency sa paraang imposible na itong maihiwalay. Sa kaso ng Libra, kabilang dito ang US dollar, Japanese yen, British pound sterling, Singapore dollar, at euro. Bagama’t pinapababa nito ang volatility ng digital na coin ayon sa teorya, maaaring magkaroon ang Libra ng mga negatibong impluwensiya sa mga aktwal na currency.

Naging bullish ang Facebook sa kabila ng mga pampangasiwaang alalahanin na ito at pagkawala ng mga pangunahing tagasuporta. Kasunod ng pag-atras ng PayPal, ipinahayag ng Libra Association na ang commitment sa coin ay mahalaga, at “mas mabuting nalalaman na ngayon ang kawalan ng commitment na ito” kaysa sa kalaunan pa ito malaman. Sa kabila ng kagustuhang iyon sa Association, maaaring mas may alinlangan na ngayon sa proyekto ng Facebook ang mga nasa labas nito.