-- Advertisements --
cayetano1
Taguig City Mayor Lino Cayetano

Magpapatuloy ang agresibong RT-PCR Testing ng pamahalaang lungsod ng Taguig para sa kanilang mamayan lalo at nagbukas na ang ekonomiya sa Metro Manila ngayong nasa General Community Quarantine Alert Level 4 ang National Capital Region (NCR).

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, ang kanilang agresibong swab test ay pagsunod sa “Pevent, Detect,Isolate, Treat, and Reintegrate” (PDITR) strategy para labanan ang coronavirus disease 2019 pandemic.

Naniniwala si Mayor Lino na ang maagang detection sa positive cases ay crucial ngayong patuloy sa pakikipaglaban ang siyudad sa pandemya.

Hinimok naman ng alkalde ang mga accredited private facilities para ireport sa LGU ang mga naitatalang positive results sa kanilang laboratoryo.

test5

” Here in Taguig, we assured that every Taguigeño can get tested. We want all close contacts of positive cases to be tested free of charge and in the most convenient way for them. If your results came back positive, report to your health center and we will help you and guide you,” pahayag ni Mayor Lino.

Ang Taguig ang siyang nangungunang siyudad sa bansa sa pagsasagawa ng aggressive free testing kung saan umaabot sa mahigit 1,000 tests ang naisasagawa sa isang araw na pinangungunahan ng kanilang City Epidemiology Surveillance Unit (CESU) at Barangay Health Centers.

As of September 18,2021 nasa kabuuang 200,175 RT-PCR tests na ang isinagawa sa siyudad.

Hindi lamang para sa mga residente ng Taguig ang libreng swab test kundi maging sa mga manggagawa na ang kanilang pinagtatrabahuhang kumpaniya ay sa siyudad.

Nasa 35 testing sites mayruon ang Taguig, 31 barangay health centers, Super health centers, drive thru testing sites sa Lakeshore at BGC, via Park ‘N Test sa Vista Mall Parking Building o sa pamamagitan ng mobile testing truck.

Mayruon din sariling molecular laboratory ang siyudad, para mas magiging madali ang pag proseso sa mga nakukuhang specimen.

“Getting tested is essential in controlling the spread of the virus. By knowing your health status, you would know what to do — undergo quarantine and recover from the coronavirus,” dagdag pa ni Mayor Lino.

Dahil sa agresibong testing, contact tracing at vaccination efforts nananatiling mababa ang Covid-19 active cases ng siyudad.

Hinimok naman ni Mayor Lino ang mga Taguig residents na manatiling mapag-bantay laban sa nakamamatay na virus.