-- Advertisements --

LEGAZPI CITY – Nag-aalok ng libreng 2-day theoretical driving course ang Land Transportation Office (LTO) sa Sorsogon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay LTO Sorsogon chief Grace Rojas, nasa 118 ang nag-avail ng programa na karamihan ay mga rebel returnees.

Nakuha umano ang ideya sa mga caravan na inilunsad ng Department of Interior and Local Government (DILG) hanggang sa magkaroon ng agreement.

Isinailalim sa proper education ang mga ito upang mabigyan ng lisenya at road safety awareness para sa lahat.

Lima lamang sa naturang batch ang hindi nakapasa kaya itinuturing na tagumpay ang naturang seminar.

Maliban dito, mayroon pang nakatakdang seminar sa iba pang mga lugar.

Ito ang unang beses na ginawa ang naturang aktibidad kaya hinikayat ang iba pang rebel returnees na makilahok sa naturang programa.