Pinalawig pa ng Department of Tourism (DOT) ang libreng accreditation para sa mga tourism establishments.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang nasabing hakabang ay para matulungan ang tourism enterprises na makarekober mula sa epekto ng covid-19 pandemic.
Base sa inilabas ng DOT na Memorandum Circular 2022-001 na nakaangkla sa Presidential Proclamation No. 57 s. 2022 na nagpapalawig sa period ng state of calamity sa bansa hanggang noong Disyembre 31, 2022.
Bagamat ang proklamasyon ng period ng state of calamity sa bansa ay nagpaso na, naniniwala ang DOT na dapat pa ring ipagpatuloy hangga’t kinakailngan ang mga hakbang na susuporta sa mga stakeholders sa sektor ng turismo sa bansa habang unti-unting bumabangon sa mga pagkalugi sa loob ng halos tatlong taon dahil sa pandemiya.
Maliban sa pag-waive sa accreditation fees, nakasaad din sa naturang memorandum ang streamlining ng documentary requirements para sa accreditation gayundin ang pagsasagawa ng virtual inspections kapalit ng physical inspections.