-- Advertisements --
Hinimok ni Albay Rep. Edcel Lagman ang pamahalaan na ipagpatuloy ang pagbibigay ng libreng reproductive health supplies at serbisyo para sa mga mag-asawa at magkabiyak sa buhay.
Mahalaga ito ayon kay Lagman lalo pa ngayong umiiral pa rin ang enhanced community quarantine sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Lagman, principal author ng Reproductive Health Law, na ito ay para maiwasan na rin ang unplanned, unwanted, at high-risk pregnancies habang may lockdown.
Dapat din aniyang may sapat na supply o stocks ang mga drug stores at pharmacies ng mga contraceptives at iba pang reproductive health supplies para sa mga may kayang makabili nito.