-- Advertisements --
Ipinagmalaki ni Los Angeles Mayor Eric Garcetti na gagawin nitong libre ang coronavirus testing para sa lahat ng residente ng naturang county.
Ito’y matapos makapagtala ang Los Angeles county ng 1,541 kumpirmadong kaso ng virus ngayong araw.
Pumalo naman sa 1,056 ang death toll sa naturang lugar kung saan ito ang itinuturing na pinakamataas na bilang sa buong western United States.
Ayon kay Garcetti, maaaring magpa-test ang kahit sinong hindi nakararamdam ng sintomas at mananatiling prayoridad ang mga indibidwal na may sintomas.
Ang Los Angeles ang kauna-unahang syudad sa Amerika na magsasagawa ng free COVID-19 testing sa kanilang mamamayan.