Isusulong muli ng isang mambabatas ang panukalang libreng dialysis para sa mga senior citizens sa 19th Congress.
Layunin ng naturang panukala na magmamandato sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ipagpatuloy ang pagbibigay ng librng treatment para sa mga nakatatandang populasyon ng bansa na sumasailalim sa dialysis.
Iginiit ni Senator Risa Hontiveros na siyang nagsusulong ng naturang panukalang batas o ang Free Dialysis for Senior Citizens Act a ang bawat pasyente ay kailangang sumailalim sa kabuuang 156 dialysis sessions para makumpleto ang isnag taong pagpapagamot subalit kung wala aniya ang subsidiya mula sa Philhealth, malaki ang babayaran ng pasyente na nasa P12,000 kada linggo para sa dialysis sessions.
Bukod dito, nakadepende lamang ang ilan sa mga senior citizens sa kanilang pension at walang ibang source of income.
Giit pa ng mambabatas na kailangan na patuloy na tulungan ang mga senior citizens lalo na’t ramdam pa rin ang epekto ng pandemiya gayundin dahil sa mga anibagong pasanin sa ating ekonomiya bunsod ng pagtaas ng presyo ng gasolina.
-- Advertisements --