-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Mamimigay ng libreng facemask ang tanggapan ng TESDA-12 upang matugunan ang kakulangan ng facemask sa rehiyon laban sa banta ng coronavirus disease 2019 (Covid-19).

Ito ang inihayag ni TESDA-12 Regional Director Rafael Abrogar sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Abrogar, ito ay alinsunod sa utos ni Sec. Isidro Lapeña kung saan nais ng tanggapan na mabigyan ng facemask ang mga mamamayan upang maprotektahan ang kanilang sarili laban sa virus.

Ngunit uunahin muna nilang bigyan ang nasa frontline ng paglaban sa sakit katulad ng mga pulis, mga sundalo, at mga medical personnel.

Mayroon naman umanong mga LGUs na nagpahayag ng kanilang nais na mag-avail nito, ngunit aminado si Abrogar na kukulangin ang kanilang suplay ng tela.

Sabi ni Abrogar na kailangan nito ang cotton o polyester na tela upang makapag-mass produce sila ng mga face mask.

Nabatid na nasa 20 mga estudyante, mga graduates at volunteers ang gumagawa ng mga facemask.