-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Daan-daang mga Agusanons ang nakabenepisyo sa iba’t ibang serbisyong libreng ibinigay ng mga national-line government agencies kahapon sa isinagawang People’s Day kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Agusan del Norte Provincial Capitol Grounds sa lungsod ng Butuan.

Kasama na dito ang Kadiwa ng Pangulo at ininspeksyon nito ang mga booths at stalls kungsaan naka-display ang mga murang bilihin sabay obserba sa takbo ng job fair, maliban pa sa turnover at distribusyon sa mga government assistance.

Pinangunahan din ng pangulo ang ceremonial turnover sa iba’t ibang government assistance gaya ng mga scholarship tool kits para sa mga indigenous people mula sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Habang namimigay naman ng coconut seedlings sa mga coco farmers ang Philippine Coconut Authority samantala mga fabricated reinforced plastic boats naman ang ibinigay sa mga fisherfolks mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources at mga yunit na kompleto na ng mga harvesters ang sa Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization pati na ang mga fertilizers, hauling truck at farm tractor mula sa Department of Agriculture.