Nag-aalok ang Land Transportation Office (LTO) ng libreng kurso sa pagmamaneho para sa mga preregistered student driver applicants,
Magtatagal ang free driving course mula Mayo 11 hanggang 12 sa mga regional offices ng LTO.
Ang inisyatibong ito ng ahensiya ayon kay LTO chief JayArt Tugade ay bilang pagkilala ng transport agency sa tumataas na interes ng mga Pilipino na nais magkaroon ng driving skills bilang kanilang source of income.
Gayundin, batid aniya ang LTO sa problemang pinansiyal na kinakaharap ng maraming mga Pilipino na nag-ienroll sa driving courses.
Sa ngayon, bagamat limitado pa lamang ang bilang na kayang ma-accommodate na estudyante ng LTO sa kanilang free driving course, inihayag ni Tugade na unti-unting sisimulan ang buwanang pag-aalok ng libreng driving courses.