KALIBO, Aklan – Lubos ang tuwa ng pitong benepisaryo ng bagong wheelchairs na ipinamigay sa Bombo Medico 2019 sa ABL Sports and Cultural Complex sa Capitol Site Kalibo, Aklan.
Ayon sa kanila malaking tulong ang mga natanggap na wheelchairs lalo na at hirap silang makakilos dahil sa iniindang karamdaman o kapansanan.
Maibsan na umano ang kanilang paghihirap at magiging mas madali para sa kanila ang pagkilos at pagtrabaho.
Maliban dito, ilang daan naman ang pumila upang makapag-avail ng tulong medikal, optikal, at dental na walang kakayahang magpakonsulta sa mga doctor.
Nasa P900,000 ang kabuuang halaga ng gamot na ipinamahagi sa mga indigent patients.
Maliban sa libreng gupit at masahe, ilan sa mga pinilahan ang libreng manicure at pedicure mula sa mga estudyante ng TESDA.
Samantala, naging problema naman sa event ang mga walk-in o nakipagsapalaran sa venue.
Subalit, mahigpit ang naging patakaran ng pamunuan ng Bombo Radyo Kalibo na ang may mga hawak na priority number ang uunahin sa pila.