-- Advertisements --

NAGANAP noong Setyembre 22, 2024, sa Planet Square Mall, Hung Hom, Hong Kong.

Sama-samang nagkaisa ang mga aplikante ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles at Lady Eagles Club sa ilalim ng The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles at nagsagawa ng Community Service sa nasabing lugar sa pamamagitan ng Libreng Blood Glucose Test at Blood Pressure Test para sa ating mga kapwa OFW sa Hong Kong.

Ang nasabing community service ay bahagi ng proseso kung paano maging miyembro ng Philippine Eagle. Pinangunahan ito ni Eagle Marlon De Guzman, Club President ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles Club, at Lady Eagle Merlita Quijalvo na miyembro ng Bagong Bayani Hong Kong Lady Eagles Club at manager ng UTEA Employment Agency na isang residente ng Hong Kong.

Sa kabuuan, nakamit ng Club ang kabuuang bilang na 98 OFWs para sa sugar glucose tests at 125 OFWs para sa blood pressure tests ang kanilang napag silbihan.

Pinananatili ng Bagong Bayani Hong Kong Executive Eagles at Lady Eagles Club ang patakaran nito na walang aplikante ang magiging miyembro ng Philippine Eagle sa kanilang Club nang hindi maayos na isinasagawa ang outreach community service na nakasaad sa kanilang Constitution and By-Laws.

Masayang masaya naman ang bawat aplikante dahil naipakita nila ang kanilang dedikasyo para maglingkod sa kapwa OFW sa Hong Kong sa pamamagitan ng pakiki- isa sa mga Philippine Eagles.

Ang The Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles Incorporated ay palaging pinananatili at sinusunod ang misyon nito na Humanitarian Service at nananatili sa mga gabay nitong prinsipyo ng PAGLILINGKOD SA PAMAMAGITAN NG MALAKAS NA KAPATIRAN PARA DA DIOS AT SA BAYAN