-- Advertisements --

Aminado ang Globe Telecommunications company (Telco) na maaaring magamit din ng mga teroristang Maute ang libreng mobile services na kanilang handog para sa buong Marawi City.

Ayon kay Globe President Mr. Ernest Cua, hindi naman kasi nila mamomonitor kung sinu-sino ang mga gumagamit sa kanilang network.

Sinabi ni Cu na ginawa nila ito para tulungan ang mga sundalo at mga sibilyan na nasa loob pa rin ng siyudad.

Hindi pa naman aniya huli para kanilang ihandog ang libreng mobile services sa nasabing siyudad at ngayong araw epektibo ang libreng tawag at text.

Ito’y kahit mag-iisang buwan na ang krisis sa Marawi City.