-- Advertisements --
Inatasan ng National Telecommunications Commision (NTC) ang lahat ng telecommunication companies na gawing libre ang pag-unlock sa mga mobile phones kapag tapos na ang kontrata ng kanilang subscribers.
Ayon sa NTC, dapat ang mga subscribers na nakapagtapos na ang kanilang lock-in period ay papayagan ng ipa-open line ang kanilang mga devices at ito ay gawing libre.
Magsisimula aniya ang batas matapos ang 15 araw.
Naipatupad ang batas matapos ang reklamong natanggap ng NTC na gagastos pa ang mga subscribers para mai-open line ang kaniyang cellphone kung gusto nilang lumipat ng ibang network.