CENTRAL MINDANAO – Dalawamput limang mga lolo at lola ang libreng nabigyan ng orthopedic assistive devices ng city government ng Kidapawan.
Personal na iniabot ni City Mayor Joseph Evangelista ang tulong sa mga senior citizens beneficiaries sa convocation program ng city government.
Malaking tulong ang mga nabanggit upang makakilos ng maayos at magawa ng mga senior citizen beneficiaries ang kanilang pang araw-araw na gawain.
Kinapapalooban ng 15 wheelchairs, siyam na walkers at isang baston ang ibinigay ng alkalde.
Tumanggap ang mga hindi at hirap ng makalakad na matatanda batay sa kanilang mga barangay senior citizens associations na lubhang nangangailangan ng orthopedic assistive devices.
Maituturing na “advance na regalo” ni Mayor Evangelista sa mga nakakatanda ang nabanggit bago pa man ang pagdiriwang ng senior citizens week sa October 1-7.
Kaugnay nito ay naipamahagi na rin ng DSWD at City Government ang P6,000 na social pension para naman sa indigent senior citizens na hindi pa nakatanggap ng tulong pinansyal.
Ginawa ang pamimigay ng ayuda sa Office of the Senior Citizens Affairs ng City Government.
Una na ring naibigay ng DSWD at City Government ang isang buong taon na social pension sa mga indigent senior citizen noong September 2-6, 2019.