-- Advertisements --

Nag aalok ngayon ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Provincial Training Center– La Union pagsasanay at language courses ngayong buwan ng Hunyo

Ito ay bukas para sa mga kababayan nating interesadong mapalawak pa ang kanilang mga kaalaman.

Ang nasabing libreng pagsasanay na kanilang iniaalok ay ang Online Basic Korean Language and Culture sa tulong at pakikipag-ugnayan sa National Language Skills Center (NLSC) Taguig.

Ang naturang pagsasanay ay tatagal ng hindi bababa 100 hours o 25 days.

Para naman maka-avail ng training ay kinakailangan na isa kang Filipino Citizen, higit 18 na taong gulang, at kinakailangang nakapagtapos ng high school, senior high school o ALS graduate.

Habang magkakaroon naman ito ng morning at afternoon session at mayroon lamang na apat na oras na training sa isang araw mula lunes hanggang biyernes.

Samantala kung may iba pa raw na katanungan ay mag email lamang sa ptclaunion@tesda.gov.ph upang mabigyan din ng iba pang instruction hinggil sa pre-registration process.