Maaari na ngayong mag-enjoy ng libreng pure fiber wifi ang mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals 1 at 2 sa airport dahil naglunsad ang isang kilalanh broadband provider noong Huwebes ng libreng broadband program nito.
Ayon kay Transportation Secretary Jaime J. Bautista, ang pagbibigay ng libreng fiber network ay magpapanatili sa mga pasahero at turista sa paliparan na konektado sa high-speed network nito.
Noong Nobyembre 2022, matatandaan na inaprubahan ng Department of Transportation (DOTr) ang isang kasunduan sa naturang broadband network, na magbigay ng libreng public wi-fi services sa passenger terminals ng siyam na internasyonal at domestic airports sa buong bansa.
Nauna nang iniulat na inilunsad din ng transport chief ang libreng fiber wi-fi ng network provider sa NAIA Terminal 3 noong Nobyembre 2023.
Sinabi ni Secretary Bautista na ang mga pasahero sa paliparan ay maaari na ngayong mag-enjoy ng mas maraming opsyon kasama ng iba pang network provider na nagbibigay din ng libreng wi-fi services sa NAIA.