-- Advertisements --

May alok na libreng sakay ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) and Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa mga Filipino seafarer ngayong araw, June 25.

Inanunsyo ito ng Department of Transportation (DOTr) bilang pagkilala sa sakripisyo ng mga marinong Pinoy kasabay ng selebrasyon sa Day of the Filipino Seafarer ngayong araw.

Epektibo ang libreng sakay sa mga marinong Pilipino mula 7AM hanggang 9AM at 5PM hanggang 7PM sa ilalim ng Light Rail Transit Line 2 habang 5:30AM hanggang 10PM naman sa ilalim ng Metro Rail Transit Line 3.

Ayon sa DOTr, kailangan lamang magpakita ang mga marino ng kanilang valid identification booklet, record book, at iba pang identity documents para makakuha ng libreng sakay.

Kasama ng DOTr sa naturang programa ang Maritime Industry Authority.