-- Advertisements --

Inanunsyo ng Philippine Commission on Women (PCW) na mag-aalok ng libreng sakay ang Light Rail Transit (LRT) Line 2 sa lahat stations nito para sa mga babaeng pasahero at magsisimula sa Marso 8, Sabado, mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga ng peak hours, at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi.

Magtungo lamang sa ticket booth ng LRT-2 upang makakuha ng libreng ticket.

Bukod dito, mag-aalok din ang LRT-2 ng libreng gupit sa unang 30 pasahero sa Marso 12 sa Antipolo Station habang ang mga pasahero sa Cubao Station ay makikinabang din sa libreng gupit sa Marso 19 at 26.

Magbibigay din ang LRT-2 ng mga rosas para sa mga kababaihan sa Antipolo station o sa concourse level sa Marso 5.

Ang naturang programa ay bahagi ng inisyatibong “Serbisyo para kay Juana 2025” ng PCW para sa buwan ng mga kababaihan.

Samantala kasama rin ang libreng pagkuha ng civil registration documents para sa unang 100 babaeng makakapag-transact sa Philippine Statistics Authority (PSA) CRS outlets sa buong bansa sa Marso 3, 10, 17, at 24, pati na rin ang libreng admission para sa mga babaeng bibisita sa The Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center sa Marso 8.