-- Advertisements --
libreng sakay

Plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mag-alok nalang ng diskwento sa pamasahe sa mga commuter.

Ito’y matapos ang programang “Libreng Sakay” sa Edsa ay maaaring hindi na muling buhayin ngayong 2023 sa kadahilanang hindi na sapat ang pondo.

Ipinaliwanag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III na para maisama nila ang lahat ng pampublikong transportasyon kung isasaalang-alang ang limitadong badyet, ang mga diskwento ay ibibigay bilang alternatibo.

Naglaan ang Department of Budget and Management ng kabuuang P1.28 bilyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa diumano’y free-ride program.

Aniya, para mapagkasya ang pondo ng gobyerno, at para maisama lahat ng transportasyon, magbibigay sila ng discount sa mga gusto mag-avail ng ‘Libreng Sakay’.