Nagdeploy ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng Libreng Sakay para sa 2 araw na tigil pasada ng 2 grupo ng transportasyon mula ngayong Lunes, Setyembre 23 hanggang bukas, Setyembre 24.
Ito ay matapos ianunsiyo ng grupong Manibela at Piston noong nakaraang linggo na magkakasa sila ng panibagong transport strike para tutulan ang Public Transport Modernization Program (PTMP).
Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, nakipag-ugnayan na sila sa mga lokal na pamahalaan para sa pagbibigay ng libreng sakay sa mga komyuter na apektado ng transport strike.
Inihayag din ng opisyal na nirerespeto nila ang karapatan ng mga tsuper at operator para sa malayang pagpapahayag at kinikilala din ang mga daing ng sektor ng transportasyon kasabay ng apela na huwag magdulot ng mabigat na trapiko sa mga pangunahing kalsada.