Mag-aalok ng libreng sakay sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) para sa mga war veterans simula sa araw ng Sabado, Abril 5 hanggang sa Biyernes, Abril 11 kasabay ng paggunita ng Philippine Veterans week.
Ito ay bilang pakikiisa ng MRT-3 sa pagdiriwang ng ika-83 Araw ng Kagitingan at Philippine Veteran’s Week.
Sa isang statement, sinabi ni MRT-3 General manager Michael Capati na kinikilala ng MRT-3 ang dakilang sakripisyo at mga kontribusyon ng mga veteran para sa ating bansa noong World War II.
Para makapag-avail ng libreng sakay, kailangan magpresenta ng mga veteran ng valid ID mula sa PH Veterans Affairs Office (PVAO) sa MRT-3 station personnel.
Papayagan ng veterans na sumakay nang libre kabilang ang isa nilang companion o kasama.
Libreng makakasakay ang mga beterano at kanilang kasama sa buong oras ng operasyon ng MRT-3, mula alas-4:30 ng umaga hanggang alas-10:30 ng hapon sa North Avenue Station, at mula alas-5:05 ng umaga hanggang alas-11:09 ng gabi sa Taft Avenue Station sa nabanggit na mga araw.