-- Advertisements --

ILOILO CITY – Hindi pa rin madaanan ang access road sa ilalim ng Paliwan Bridge sa Antique.

Ang Paliwan Bridge ay kumukonekta sa Brgy. Cubay North sa Bugasong at Brgy. Lugta sa Laua-an.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Mr. Broderick Train, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer sa Antique, sinabi nito na dalawang araw nang mataas ang tubig baha sa nasabig ilog.

Ayon kay Train, malakas pa rin ang ulan sa lalawigan dahilan upang umapaw ang tubig sa pansamantalang daanan na ginawa mula ng nasira ng Bagyo Paeng ang Paliwan Bridge.

Inabisuhan rin ng awtoridad ang lahat na motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta.

Sa ngayon, gumagamit muna ng bangka ang mga residente upang makatawig sa ilog.

Nagtulong-tulong na rin ang Laua-an Municipal Advisory Council, Laua-an Municipal Police Station and Commission on Elections Laua-an sa pamimigay ng libreng noddles, kape, pandesal at arozcaldo sa mga Duty personnels, Standard commuters, Rescuers at Volunteers sa Paliwan Bridge.