-- Advertisements --

Mag-aalok ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-2) ng libreng sakay para sa mga komyuter sa araw ng Lunes, Disyembre 30 kasabay ng pag-obserba ng ika-128 anibersaryo ng kamatayan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

Libreng makakasakay ang mga pasahero sa rush hours mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

Aalis ang unang biyahe mula Recto at Antipolo stations bandang alas-5 ng umaga habang ang last trip naman mula sa Recto station ay 9:30 p.m. habang sa Antipolo station ay alas-9 ng gabi.

Ang libreng sakay ng LRT-2 ay bilang pakikiisa sa paggunita sa pagkamatay ni Dr. Jose Rizal noong Disyembre 30, taong 1896 sa Bagumbayan na ngayon ay kilala bilang Rizal Park o Luneta para sa kaniyang kabayanihan na itinuturing na mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.