Maga-alok ng libreng sakay ang Metro Rail Transit-3 (MRT-3) at Light Rail Transit-2 para sa solo parents ngayong araw ng Sabado, Abril 26 kasabay ng pagdiriwang ng National Solo Parents Week.
Ayon kay Department of Social Welfare and Development (DSWD) Strategic Communications Office Myla Monsod, maaaring i-avail ang libreng sakay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.
Kailangan lamang magpresenta ng solo parents ng kanilang Solo Parent ID para makasakay ng libre.
Sa mga solo parent na wala pa ng naturang ID, mangyaring magtungo lamang at kumuha sa local DSWD offices.
Ang mga kwalipikadong Solo parent para makakuha ng ID ay ang mga mag-isang nagtataguyod ng kanilang anak dahil sa pagpanaw ng kaniyang asawa, hiwalay sa asawa, iniwan, biktima ng rape, spouse ng isang indibidwal na nasa kulungan o partner ng isang mentally incapable.