-- Advertisements --

Magpapatuloy hanggang ngayong alas-7 ng gabi ang alok ng Metro Rail Transit na libreng sakay kasabay ng ika-125 anibersaryo ng Department of Transportation.

Nagsimula ang libreng sakay sa MRT nitong alas-7 ng umaga at nagtapos ng alas-9 ng umaga.

Nagbalik naman mula kaninang alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ngayong gabi.

Ang nasabing hakbang ay para sa mga pasahero na tumatangkilik ng railway bilang pasasalamat na rin ng DOTr.

Una na rito, tiniyak ng DOtr na ipagpapatuloy pa rin nito ang gagawing modernisasyon sa railway system ng bansa para sa mas maayos na mode of transportation ng mga mananakay.