Sa pagbubukas ng 2023 FIBA World Cup sa Agosto 25, magkakaroon ng libreng shuttle ride para sa mga pupunta sa Philippine Arena sa Bulacan.
Inihayag ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na magde-deploy ito ng 400 49-seater buses mula sa labindalawang take-off points sa Metro Manila at ilang certain points sa Central Luzon.
Narito ang mga sumusunod na available buses:
PITX Bus Terminal
Mall of Asia Arena
One Ayala Bus Terminal
BGC Market Market Bus Terminal
SM Megamall
Araneta City
Trinoma
SM North EDSA
Cloverleaf Ayala Mall Bus Terminal
SM Baliuag
SM Pampanga
SM Clark
Nakatakdang umalis ang libreng shuttle bus rides ng alas-11 at alas-12 ng tanghali, at kada oras mula ala-1 hanggang ala-5 ng hapon.
Makikita sa araw ng pagbubukas ang Angola laban sa Italy dakong alas-4 ng hapon, bago ang opening ceremony na magkakaroon ng mga acts mula sa The Dawn, Ben & Ben, at Asia’s pop royalty na si Sarah Geronimo.
Susundan ito ng campaign opener ng Philippine team dakong alas-8 ng gabi.
Target ng SBP na mahigitan ang rekord para sa pinakamaraming bilang ng mga dumalo sa FIBA World Cup na nasa 32, 616.