-- Advertisements --

DAVAO CITY- Ikinatuwa nga mga Persons with Disability (PWD) ang libreng pribliehiyong makanood ng sine dito sa Davao City.

Ito at matapos maabprubahan ng lokal na pamahalaan ang ordinansa na ipinapanukala ni Councilor Jessica “Cookie” Bonguyan, Chairperson ng Committee on Games & Amusement.

Makakapanood na ng libreng sine ang mga PWDs tuwing ikalawang linggo ng buwan partikular na sa araw ng Lunes.

Kinakailangang lamang ipakita ang PWD ID upang samantalahin ang libreng handog na ito para sa mga may kapansanan.

Kasakukuyan pang hinihintay na mailimbag ang nasabing ordinansa bago pa ito tuluyang maipatupad ang naturang benepisyo.