-- Advertisements --

Aabot sa kabuuang 237 Overseas Filipino Workers mula sa Kuwait ang nabigyan ng tulong ng pamunuan ng Overseas Workers Welfare Administration.

Ang tulong na ito ay naibigay ng ahensya sa mga nasabing manggagawang Pilipino sa unang apat na buwan ng kasalukuyang taon.

Nagbigay ang Overseas Workers Welfare Administration ng libreng skills trainings para magamit ng mga umuwing OFWs.

Kabilang sa mga ito ay Basic Perfume Making, Basic Bread and Pastry Production, Nail Spa, Belgian Chocolate Making, at kasama na ang Scented Candle Making.

Kaugnay nito ay tiniyak ng ahensya na hindi sila titigil sa pagbibigay ng libreng skills training sa mga OFWs upang maging mahusay ang kanilang pagtatrabaho.