-- Advertisements --

Inanunsiyo ng pamahalaang lungsod ng Taguig na pansamantalang magbibigay ito ng libreng teleconsultation at 24 oras na mga serbisyo sa super health centers sa mahigit 200,000 residente na apektado ng desisyon ng Korte Suprema na paglilipat sa ilang barangay mula sa Makati patunong Taguig.

Sa isang statement, sinabi ng lokal na pamahalaan ng Taguig na maaaring mag-avail ang mga residente ng personal consultation sa mga doktor ng lungsod sa 31 health centers at as 3 super health centers na bukas 24/7.

Bukas ang teleconsultation hotlines ng lungsod mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon mula Lunes hanggang Biyernes.

Kung saan saklaw din dito ang mga request para sa laboratoryo, libreng medical check-up, referrals at prescriptions.

Narito ang 𝐓𝐄𝐋𝐄𝐌𝐄𝐃𝐈𝐂𝐈𝐍𝐄 𝐍𝐔𝐌𝐁𝐄𝐑𝐒 para sa 𝐄𝐌𝐁𝐎 𝐁𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐘𝐒
•BARANGAY WEST REMBO
Telemedicine Number: 09628330504

•BARANGAY PITOGO
Telemedicine Number: 09628330498

•BARANGAY CEMBO
Telemedicine Number: 09628330502

•BARANGAY PEMBO
Telemedicine Number: 09998027191

•BARANGAY SOUTH CEMBO
Telemedicine Number: 09497744676

•BARANGAY EAST REMBO
Telemedicine Number: 09497744668

•BARANGAY RIZAL
Telemedicine Number: 09628330496

•BARANGAY POST PROPER NORTHSIDE
Telemedicine Number: 09628330501

•BARANGAY POST PROPER SOUTHSIDE
Telemedicine Number: 09497744680

•BARANGAY COMEMBO
Telemedicine Number: 09627634145