-- Advertisements --

Tiniyak ng gobyerno na nasa daan- daang libong internet users ang makikinabang sa libreng wifi sites na kasama sa benepisyo ng pinagana na Phase 1 ng National Fiber Backbone project.

Ayon Kay Pangulong Ferdinand R. Marcos jr., nasa may 700 at 50 libong mga beneficiaries ang maaaring maka- avail ng Free WiFi Sites na hindi lamang nasa Region 1 at 3 kundi pati na rin sa Metro Manila.

Sinabi ng Pangulong Marcos na ang NFB Phase 1 ay may haba na 1,245 kilometers at binubuo ito ng 28 nodes mula Laoag, Ilocos Norte Hanggang sa Roces, Quezon City.

Dagdag ng Chief Executive na malaking savings din ang matitipid ng pamahalaan taon- taon sa ginawang activation na Ngayon ng proyekto.

Aabot sa 145 million pesos potential savings Sabi pa ng Pangulo ang matitipid ng gobyerno habang nasa 3 Daan at 46 na mga national and local government offices na nakakonekta sa GovNet ang lalakas sa kanilang operational efficiency kasunod ng activation ng Phase 1 NFB project.