-- Advertisements --

Labis ang kasiyahan ni Vanessa Bryant ang may bahay ng nasawing si Kobe dahil naging best-seller sa New York ang libro ng NBA star na “The Wizenard Series: Season One”.

https://www.instagram.com/p/B-vPP8Uj0Kw/

Sinabi nito na sakaling buhay pa ang Los Angeles Lakers star ay malamang wala itong masasabi dahil sa kasiyahan.

Sa Instagram post ni Vanessa, nagpasalamat ito sa pagtangkilik sa libro ng asawa.

Magugunitang noong Enero ay pumanaw si Bryant kasama ang anak na si Gianna at pitong iba pa ng bumagsak ang sinakyan nilang helicopter.