Naging mabenta ngayon ang librong gawa ng nasawing NBA star na si Kobe Bryant.
Dahil sa dami ng bumili ng libro ay pumangatlo na ito sa best-sellers list ng New York Times.
Nanguna ang mga libro na para sa sa mga bata may edad 10 hanggang 14 na “Epoca: The Tree of Ecrof” at “Legacy And The Queen”.
Habang ang libro na gawa ni Bryant na “The Wizenard: Training Camp” ay tungkol sa pinagsamang pagtuturo at inspirasyon para sa isang bata na naglalaro ng sport.
Nanguna rin sa online seller na Amazon ang isang libro ni Bryant na ” The Mamba Mentality: How I Play”.
Magugunitang isa lamang ang nasabing mga merchandized na tumaas ang demand matapos na masawi sa helicopter crash ang 41-anyos Los Angeles Lakers star kasama ang anak na si Gianna at pitong iba pa noong Enero 26, 2020.