-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Pinangunahan ni Mayor Cesar “Bubu” Cumba Jr., sa bayan ng Magallanes, Agusan del Norte ang culmination program para sa pagdiriwang ng ika-500 anibersaryo ng expedisyon ni Ferdinand Magellan at pagdeklara na naganap ang unang misa sa Mazaua, Butuan.

Dumalo sa pagdiriwang ang mga local historians, mga personahe ng Department of Education (DepEd), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), mga non-government organizations (NGOs) at iba pang mga ahensya ng pamahalaan.

Isinagawa ng mga personahe ng Department of Education [DepEd] at municipal employees ang re-enactment sa journey ni Magellan hanggang sa dumating ito sa Magallanes.

Gumawa din sila ng time capsule upang ma-preserve ang mga ala-ala sa naturang selebrasyon.