Mas lumaki pa ang hinaharap na hamon ng National Health Service sa England, United Kingdom matapos sumali na rin sa strike ang senior doctors upang ipanawagan ang mas mataas na sahod.
Libu-libong consultants ang nag-walk out na siyang unang pagkakataon mula 2012 na nakilahok sila sa isang strike action.
Ayon kay Bombo Ramil Isogon, international correspondent sa United Kingdom, nangyari ang strike ng senior doctors dalawang araw lamang makalipas ang limang-araw na walkout ng junior doctors.
Babala ng National Health Service England, ang senior-doctor walkout ang posibleng mag-iwan ng pinakamatinding epekto kung ihambing sa ibang strike action ngayong taon.
Sa ngayon, libu-libong appointments na umano ang na-postpone.
Nanindigan naman ang health secretary na dapat nang tapusin ang dispute lalo pa’t pinakinggan naman daw ng gobyerno ang kanilang problema sa pamamagitan ng pagtanggap ng rekomendasyon ng independent pay review body at pagbigay sa consultants ng 6% na taas-sahod na final offer na umano ng pamahalaan.