-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Magsasagawa ng malawakang relief operations ang pamahalaang panlalawigan ng Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Elizabeth Binag, spokesman ng Prov’l. Gov’t ng Isabela, sinabi niya na inihahanda na ang ayuda para sa lahat ng bayan at 2 Lunsod sa lalawigan.

Aniya nakatakdang mamahagi ng 70,000 bags ng bigas ang provincial government ng Isabela sa lahat ng mga bayan at Lungsod sa sa Isabela na binubuo ng 427,673 households.

Maliban dito ay kabuoang 2,400 kahon naman ng mga delata ang ipimamahagi rin ng pamahalaang panalalawigan.

Aniya ang malawakang relief operations ay isasagawa ngayong araw, Abril 2.

Pangungunahan naman ng Tactical operations Group 2 ng Philippine Airforce ang paghahatid ng ayuda sa mga coastal towns ng lalawigan.