CENTRAL MINDANAO – Naging makulay ang selebrasyon ng Halad Festival 2020 sa probinsya ng Cotabato.
Ang Halad Festival ay pasasalamat sa biyayang natanggap mula sa maykapal taun-taon kung saan bahagi ito ng selebrasyon ng kapistahan ni Patron Sto. Nino sa Midsayap, North Cotabato.
Libu-libo naman ang nakiisa at nakisaya sa selebrasyon kung saan maraming mga turista ang bumisita.
Nagtagisan ng galing sa pagsayaw sa kalsada at showdown competition ang mga kalahok sa Halad Festival kung saan nag-uwi ng bonggang papremyo ang mga nanalo.
Matinding seguridad rin ang pinatupad sa Halad Festival 2020 kung saan apat na helicopter gunship ang nagbabantay sa himpapawid kasama ang mga sundalo, pulis at mga force multipliers ang nakakalat sa mga kalsada sa bayan ng Midsayap.
Pagsapit ng gabi ay nagkaroon naman ng konsiyerto ng mga banda at pasaya hatid ng mga bisitang mga artista at stage performers.
Nagpasalamat din ang LGU-Midsayap at lahat ng mga bumubuo sa Halad Festival 2020 sa mga tumulong, nakiisa at nakisaya sa matagumpay na selebrasyon.