-- Advertisements --

Muling ipinakita ng Bombo Radyo Philippines ang kapangyarihan ng nagkakaisang komunidad at bolunterismo sa matagumpay na pagdaraos ng Dugong Bombo 2024: A little Pain, A life to Gain, a nationwide simultaneous bloodletting activity.

Sa taong ito, nakalikom tayo ng halos 2 million cc o katumbas ng halos 2,000 liters o halos 524 gallons o halos 10 drums ng dugo.

Nagmula ito sa mahigit 4,400 blood donors sa buong bansa, na nagpapakita ng diwa ng bayanihan ng mga Pilipino.

Sa pakikipagtulungan ng Bombo Radyo Philippines Foundation Inc. at ng Philippine Red Cross, nanatiling isang halimbawa ng pagsasakripisyo at dedikasyon ang Dugong Bombo sa pagtugon sa kritikal na pangangailangan ng dugo sa mga blood banks ng bansa.

Kahit na may banta ng Super Typhoon Pepito sa ilang lugar at mayroon ding bomb threat, ipinagpatuloy ang kaganapan, na nagpapakita ng katatagan at dedikasyon ng mga volunteers, organizer, at mga katuwang na samahan.

Ang napakalaking suporta at pakikilahok ay nagpapakita ng malalim na tiwala ng publiko sa Bombo Radyo Philippines.

Ang organisasyon ay nagpapasalamat ng taos-puso sa lahat ng donor, maging sa mga successful o hindi sa pagbibigay ng duro — at sa mga sponsor na nagkaloob ng kontribusyon at naging susi sa tagumpay ng programang ito na walang katulad.

Gaya ng ating mantra, “In Dugong Bombo, a little pain, a life to gain.”

Ang bloodletting activity ngayong taon ay binibigyang-diin sa pagiging epektibo ng mga inisyatibo na kinabibilangan ng komunidad sa pagliligtas ng mga buhay at pagpapatibay ng pagkakaisa. 

Samantala, sa 24 areas na regular na pinagdarausan ng Dugong Bombo, tanging ang area ng Legazpi at Naga na nahaharap sa banta ng super typhoon Pepito ang naipagpaliban sa mga susunod na araw… kaya’t antabayanan ang ilalabas na mga update.

Muli, ang aming pasasalamat sa lahat. Dugong Bombo, a little pain a life to gain… Basta Radyo…Bombo!